^

Probinsiya

Magsasaka dinedo sa nawalang manok

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng 42-anyos na magsasaka makaraang pagsasaksakin ng isang obrero na pinagbintangan nitong nagnakaw ng manok kamakalawa ng gabi sa Sitio Centro, Barangay Bignay 2, bayan ng Sariaya, Quezon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Doming “Bay” Villaver, may-asawa at nakatira sa Barangay Manggalang 1 habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jayson Ranela ng Barangay Bignay 2. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Eduard Mallo, hepe ng Sariaya PNP, kinompronta ng biktima ang suspek kaugnay sa kanyang alagang sasabunging manok na nawawala. Gayon pa man itinanggi ng suspek ang akusasyong pagnanakaw hanggang sa maganap ang pananaksak sa biktima. Bagama’t sugatan ay nakatakbo palayo ang biktima subalit hinabol siya ng suspek saka muling inundayan ng sunud-sunod na saksak hanggang sa mapatay.

 

vuukle comment

BAGAMA

BARANGAY BIGNAY

BARANGAY MANGGALANG

EDUARD MALLO

GAYON

JAYSON RANELA

KINILALA

NAGMISTULANG

SARIAYA

SITIO CENTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with