^

Probinsiya

17-anyos inutas ng sariling utol

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines - Napas­lang ang 17-anyos na bi­natilyo matapos itong saksakin ng sariling utol noong Sabado ng gabi sa Barangay Duljo-Fatima, Cebu City, Cebu.

Naisugod sa Cebu City Medical Center subalit namatay din ang biktimang si Edgar Calero Jr.

Sumuko naman sa Mambaling PNP ang suspek na si Carlo Calero, 18, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, lumilitaw na hindi magkasundo sa maraming bagay ang mag-utol simula pa noong mga bata sila.

Sa pahayag ng nanay na si Jocelyn Calero, wala sa kanilng bahay ang magkapatid nang maganap ang krimen.

Napag-alamang nagkasagian ng siko ang mag-utol habang naglalakad kaya nagalit si Carlo at sinuntok ang nakababatang utol.

Gayon pa man, gumanti si Edgar kaya lalong tumindi ang galit ni Carlo sa kapatid kung saan inundayan naman ito ng saksak sa kaliwang dibdib.

Nakatakbo pa ang bik­timang naghihingalo at naipaabot sa kanyang nanay ang ginawa sa kanya ng kapatid subalit namatay din habang ginagamot sa nabanggit na ospital.

Nahaharap naman sa kasong murder ang suspek sakaling kasuhan ito ng sariling ina.

 

vuukle comment

BARANGAY DULJO-FATIMA

CARLO CALERO

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

EDGAR CALERO JR.

GAYON

JOCELYN CALERO

MAMBALING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with