^

Probinsiya

Dalaga minolestiya ng ka-date, bading

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napariwara ang isang 19 anyos na dalaga matapos itong makipag-inuman na humantong sa pangmomolestiya rito ng kaniyang  ka-date at kaibigang ba­ding sa  isang bahay  sa San Isidro Drive, Brgy. Guiwan, Zamboanga City kamaka­lawa.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Anna at ipinagharap ng reklamo ang ka-eyeball nitong kinilalang si Benjamin Pingad, 19 at kaibigang umano’y bading na  si Jose Carlo Angelo Sanson, 26 anyos.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente nitong Biyernes dakong alas-4:20 ng madaling araw matapos na yayain umano ng suspek ang dalaga na makipag-inuman sa kanila ni Sanson sa tahanan nito sa Aquarius Street ng naturang barangay.

Gayunman, ayon sa dalaga ng malasing umano siya ay binuhat siya ni Pi­ngad sa silid nito na habang unti-unting hinuhubaran ng suspek ay pinaglalamas naman ng bading ang maseselang bahagi ng katawan nito. Nasakote naman sa follow-up operation ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong rape at acts of lasciviousness.

vuukle comment

AQUARIUS STREET

BENJAMIN PINGAD

BIYERNES

BRGY

GAYUNMAN

GUIWAN

JOSE CARLO ANGELO SANSON

POLICE REGIONAL OFFICE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with