^

Probinsiya

Mag-ina ninakawan, pinatay ng akyat-bahay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina matapos na pagnakawan ay pinagtulungang hatawin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay San Miguel, bayan ng San Simon, Pampanga kahapon ng mada­ling araw.

Basag ang ulo ng mag-inang Jovita Salon, 35; at  Karl Christian Salon, 9, habang nakaligtas naman ang isa pang anak na 7-buwang gulang kung saan naitago ng nanay nito sa ilalim ng kama sa ikalawang palapag ng bahay.

Samantala, isa sa mga suspek na kaanak ng mag-ina na si Mark Pangan ay nasakote ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Michael John Riego, hepe ng San Simon PNP.

Nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay ng mag-ina kung saan nawawala ang mga alahas at malaking halaga matapos na madiskubre ng kanilang kaanak ang krimen bandang alas-4 ng madaling araw.

Nabatid din na walang winasak na mga bintana o pintuan sa bahay kung saan pinaniniwalaang kilala ng mag-ina ang mga kawatan.

Ipinaabot na ng mga ka­anak ni Jovita ang insi­dente sa kanyang mister na nagtra­trabaho sa ibang bansa.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY SAN MIGUEL

CHIEF INSP

JOVITA SALON

KARL CHRISTIAN SALON

MARK PANGAN

MICHAEL JOHN RIEGO

SAN SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with