^

Probinsiya

11-anyos lunod sa pool

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Masyadong maaga ang pagsalubong ni kamatayan sa 11-anyos na bata  matapos itong malunod sa swimming pool ng Water Land Resort sa Barangay Osias, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon.

Idineklarang patay sa Kabacan Polymedic Cooperative Hospital ang biktimang  si Claude Niko De Guzman Orquillo ng Barangay Kadingilan sa Bukidnon.

Sinasabing naiwan mag-isa ang bata na naliligo sa swimming pool kung saan namataan ito ng isa sa dalawang lifeguard atten­dant na palutang–lutang.

Kaya kaagad na sinaklolohan at dinala sa nasa­bing ospital.

Sa panayam ng dxVL Radyo ng Bayan sa katiwala ng resort  na si Alex Caligsan, dalawang lifeguard attendant ang nakatutok sa mga naliligo sa swimming pool subalit hindi na napansin ang biktima dahil na rin sa naka-lunch break ang isa sa lifeguard.

Samantala, sasagutin naman ng pamunuan ng Waterland Resort Management ang lahat ng gastusin sa biktima pati na rin ang pagpapalibing.

 

vuukle comment

ALEX CALIGSAN

BARANGAY KADINGILAN

BARANGAY OSIAS

BAYAN

CLAUDE NIKO DE GUZMAN ORQUILLO

KABACAN POLYMEDIC COOPERATIVE HOSPITAL

NORTH COTABATO

WATER LAND RESORT

WATERLAND RESORT MANAGEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with