^

Probinsiya

Driver dedo, 4 sugatan sa sakuna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang driver ng truck habang apat naman ang nasugatan makaraang mawalan ng preno ang kanilang sasakyan at sumalpok sa sementadong pader sa kahabaan ng highway sa Brgy. Langon, bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Wilfredo Mahilum ng Brgy. Zambowood, Zamboanga City. Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang pahinante na sina Tomasito Cabatas, Jose Estecomin, Joemari Sumalinog, at si Simon Arnaiz. Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na patungong Zamboanga City nang nasiraan ng preno ang 10-wheeler truck (BUC 197) kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at sumalpok sa nasabing lugar. Dahil sa grabeng pagkaipit ng katawan ay agad namatay ang driver habang isinugod naman sa pagamutan ang mga kasamahan nitong pahinante.

vuukle comment

BRGY

DAHIL

ISINUGOD

JOEMARI SUMALINOG

JOSE ESTECOMIN

SIMON ARNAIZ

TOMASITO CABATAS

WILFREDO MAHILUM

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with