^

Probinsiya

Guro utas sa aksidente, driver malubha

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang misis na guro habang malubha sa pagamutan ang driver ng habal-habal matapos na sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo na habal-habal dahil sa aso na tumawid sa kalsada sa Barangay Bonbon, Libon ng lalawigan kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital si Norma Quite, 55, may asawa, guro sa pampublikong paaralan ng Barangay Buga, Libon habang ang sugatan naman ng driber ng habal - habal ay si William Bralde, 41, may-asawa, ng Brgy. Burabod, Libon, Albay.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga habang ang mga biktima ay sakay sa motorsiklo (EL–3405) ga­ling sa centro ng Poblacion at patunggo sa Burabod Elementary School upang ihatid ang nasabing guro. Habang binabagtas nila ang kalsada nang  isang aso ang bigla na lamang na tumawid at mabilis na nasalpok hanggang sa sumemplang. Tumama ang ulo ni Quite sa  semento sanhi ng kanyang kamatayan.

 

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY BONBON

BARANGAY BUGA

BRGY

BURABOD ELEMENTARY SCHOOL

JOSEFINA BELMONTE DURAN MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

LIBON

NORMA QUITE

WILLIAM BRALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with