^

Probinsiya

14 huli sa 5 'drug den' sa Pangasinan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang 14 katao sa magkakasunod na pagsalakay na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa limang pinaghihinalaang drug den sa Dagupan City, Pangasinan noong Martes.

Kinilala ng PDEA ang mga arestadong suspek na sina Joenas Garcia, 37; Arvin Siapo, 27; Manilyn Santos, 24; Mark Cariño, 21; Nilo Malasan, 28; Jony Achivida; Joselo Siapo, 51; Nelson Tagulao, 39; Ronie Pugal, 41; Johndy Zamora, 21; Rodolfo Ortiz, 26; Jeffrey de Guzman, 26; Roldan Tapang, 18; and a 17-year-old minor

Huli ang 14 na suspek sa pagsalakay ng mga tauhan ng PDEA sa limang bahay sa Sitio Aling, Barangay Pantal noong Martes.

Hindi naman inabutan ng mga awtoridad sina Jimmy Cayabyab, Mads de Verra at asawa nitong si Felizidad, na pawang pinaghihinalaang mga may-ari ng limang umano'y drug den.

Nasamsam ng mga operati=ba ng PDEA ang 86 na plastic sachet ng shabu na may timbang na 15 gramo, mga drug paraphernalia at mga perang hinihinala na pinagbentahan ng mga suspek ng shabu.

Sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga suspek.

vuukle comment

ARVIN SIAPO

BARANGAY PANTAL

DAGUPAN CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JIMMY CAYABYAB

JOENAS GARCIA

JOHNDY ZAMORA

JONY ACHIVIDA

JOSELO SIAPO

MANILYN SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with