^

Probinsiya

Musikero dinedo sa simbahan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Humabol sa Undas ang 35-anyos na musikero makaraang ratratin ng riding-in-tandem assasins habang nagtutrumpeta kasama ang kapwa musikero sa mga nakikipaglibing papasok ng simbahan sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Angat, Bulacan kahapon.

Dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa likurang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ni Danilo Tolentino, miyembro ng Jade and Diamond Band at nakatira sa Sitio Pasong Balite sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon Ocampo, patungo sa simbahan ang mga nakikipaglibing nang lapitan at pagbabarilin ang biktimang nagtutrumpeta kasama ang kapwa musikero.

Habang papasok sa naturang simbahan ay biglang dumating ang isang motorsiklong Yamaha MIO na walang plaka lulan ang mga suspek saka kaagad na tinabihan ang biktima at binaril ng backrider gamit ang isang .45 kalibre ng baril na duguang ikinahandusay nito.

Nagtakbuhan ang mga nakikipaglibing habang papasok ng simbahan kung saan sinamantala ang kaguluhan kaya nakatakas ang gunmen.

Lumilitaw sa tala ng pulisya na ang biktima ay nasa watchlist ng PNP kaugnay sa pagpapakalat ng bawal na droga.

Pinaniniwalaang may kaugnayan sa bawal na droga ang naganap na pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

ANGAT

BARANGAY STA

BULACAN

CRUZ

DALAWANG

DANILO TOLENTINO

HABANG

JADE AND DIAMOND BAND

MARLON OCAMPO

SITIO PASONG BALITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with