^

Probinsiya

Coed kinatay ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 17-anyos na kolehiyala habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang pasukin ang kanilang bahay saka pagsasaksakin ng hindi kilalang lalaki na sinasabing lulong sa bawal na droga noong Lunes sa Lipa City, Batangas.

Naisugod pa sa Lipa Medix Medical Center su­balit idineklarang patay si Geraldine Enriquez, 1st year sa kursong Bachelor of Science in Business Admi­nistration (BSBA) sa Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa.

Patuloy namang nakiki­pagbuno kay kamatayan ang dalawa pang estud­yante na sina Liezel Hernandez, 16; at Ericka Mae Aala, 17, mga nangungupahan sa Villa de Lipa II sa Barangay Sabang sa nasabing lungsod.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na may katamtaman ang panga­ngatawan, nakasuot ng itim na T-shirt at 5’8 ang taas.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, pasado alauna ng mada­ling araw nang pasukin ng adik ang mga biktimang mahimbing na natutulog sa kanilang inuupahang bahay sa Phase 2, Block 8, Lot 2 sa nabanggit nan lugar.

Magkakasunod na pinagsasaksak ang mga estudyanteng tulog kung saan nagawa namang makatakbo ang isa sa mga ito kahit sugatan at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Naalerto naman ang suspek kaya mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

vuukle comment

BACHELOR OF SCIENCE

BARANGAY SABANG

BUSINESS ADMI

CAMP CRAME

ERICKA MAE AALA

GERALDINE ENRIQUEZ

LIEZEL HERNANDEZ

LIPA CITY

LIPA MEDIX MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with