^

Probinsiya

Sadistang Fil-Am, kalaboso

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 40-anyos na Filipino-American  matapos na ireklamo ng kanyang live-in partner ng pambubugbog at mga sadistang gawain  sa Brgy. Sulucan, Bocaue, Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na kinasuhan ng R.A. 9262 (Violence Against Women and their Children) at Direct Assult ang suspek na si Christopher Stephen Iba  at pan­samantalang nakatira sa Brgy. Sulucan sa naturang bayan. Nagmistula namang nagmukhang punching bag ang mukha, tadtad ng pasa at galos ang iba’t-ibang bahagi ng katawan at hindi makalakad ang biktimang si Dalia Bravo, 29, live in partner ng suspek at residente rin ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Dorina Camado ng WCCD ng Bocaue PNP dakong ala-1:30 ng mada­ling araw nang  humingi ng tulong ang ama ng biktima na si Wilfredo Bravo, 55, hinggil sa nagaganap na pagmamaltrato ng suspek sa kanyang anak bukod pa sa winawasak nito pa ang mga personal nilang kagamitan.

Kaagad namang inimbitahan ng pulisya ang suspek sa himpilan ng PNP ngunit habang nagpapaliwanag sa kanya ang nagrespondeng si PO1 Azudeery Dela Cruz ay walang sabi -sabing sinuntok nito ng tatlong beses sa mukha ang pulis na naging dahilan upang tuluyang arestuhin ito saka sampahan ng kaukulang kaso. (Boy Cruz)

 

vuukle comment

AZUDEERY DELA CRUZ

BOCAUE

BOY CRUZ

BRGY

CHRISTOPHER STEPHEN IBA

DALIA BRAVO

DIRECT ASSULT

DORINA CAMADO

KAAGAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with