^

Probinsiya

Bunso sinalo ang bala para sa kuya

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Dahil sa pagkakahawig ng mukha at pangangatawan ay napagkamalan ang 21-anyos na lalaki na kanyang kuya matapos itong pagbabarilin at mapatay ng dalawang di-kilalang lalaki na lumalabas sa labas ng kiskisan ng bi­gas sa Barangay San Juan, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Apat na tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ng biktimang si Dondon Apuyan ng Northville 6, Barangay Santol sa nabanggit na bayan.

Sa police report na isinumite kay P/Insp. Susan Cullamco, papalabas ng pintuan ng Andres Rice Mill ang biktima para maghapunan nang lapitan at ratratin ng gunmen bandang alas-8:30 ng gabi.

Napag-alamang bago maganap ang krimen ay namataan ang dalawang di-kilalang lalaki sa gate ng nasabing rice mill kung saan hinahanap si Crisanto Apuyan na sinasabing nakatatandang utol ng biktima.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumabas ang biktima para maghapunan kung saan sa pag-aakalang si Crisanto ay hinarang at pinutukan ng ilang ulit.

Lumilitaw na may ma­laking halaga na pagkakautang si Crisanto sa ilang dealer ng bigas na hindi nababayaran kaya napagkamalan ang biktimang kamukha ng kanyang kuya.

vuukle comment

ANDRES RICE MILL

APAT

BALAGTAS

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY SANTOL

CRISANTO

CRISANTO APUYAN

DONDON APUYAN

SUSAN CULLAMCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with