^

Probinsiya

Shootout: 4 hijackers patay

Cristina Timbang at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  – Bulagta ang apat na miyembro ng notoryus na highway robbery gang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya kahapon ng tanghali sa Barangay Luksuhin, bayan ng Silang, Cavite.

Kasalukuyang bineberipika pa ang pagkaka­kilanlan ng apat na hijac­kers na napatay sa engkuwentro habang pinaghahanap naman ang isa pang kasabwat sa krimen.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Joselito Esquievel, Cavite PNP director, hinaydyak ng limang armadong lalaki na lulan ng Toyota Avanza (XTC 386) ang aluminum van (PQS 342) na kargado ng kahung-kahong sigarilyo.

Iginapos ang driver at pahinante saka ipinasok sa loob ng van pagsapit sa isang subdibisyon sa Barangay Maguyam sa nabanggit na bayan.

Namataan naman ng isang concerned citizen ang insidente kaya ipinaabot sa himpilan ng pulisya kung saan nagkahabulan hanggang sa humantong sa shootout.

Tumagal ng ilang minuto ang putukan hanggang sa bumulagta ang apat habang sugatan naman ang isa sa mga operatiba ng pulisya na si PO1 Ruben Cruzada na tinamaan sa hita at paa.

Narekober sa mga napatay ang isang shotgun, Carbine, cal. 45 pistol, cal. 38 revolver at ang sasakyang ginamit ng apat kung saan nailigtas naman ang driver at dalawang  pahinante mula sa loob ng van.

vuukle comment

BARANGAY LUKSUHIN

BARANGAY MAGUYAM

BULAGTA

CAVITE

IGINAPOS

KASALUKUYANG

RUBEN CRUZADA

SENIOR SUPT JOSELITO ESQUIEVEL

TOYOTA AVANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with