^

Probinsiya

3 rebelde sumuko sa militar sa North Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbalik-loob sa pamahalaaan ang tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) na nakabase sa lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ni Lt. Col. Nilo Vinluan, kumander ng 57th Infantry Battalion, ang mga sumukong rebelde na sina Jimmy Ampoy, Larry Maasan Bayawan at Danny Tambonan.

Ayon kay Vinluan, nagsisisi umano ang tatlong dating rebelde sa pagsama sa kilusan dahil nalaman nilang parang operasyon ng sindikato ang ginagawa nila.

Sinabi umano ng tatlong sumuko na sa bawat pagsalakay na gagawin ng kanilang grupo ay may natatanggap silang bayad.

Hindi na rin umano masikmura ng mga sumukong rebelde ang pangongotong ng kanilang grupo sa mahihirap na magsasaka sa lalawigan.

Sinabi ni Vinluan na bibigyan nila ng kaukulang seguridad ang tatlong sumukong rebelde dahil sigurado umanong babalikan sila ng mga dati nilang kasama sa kilusan.

vuukle comment

AYON

DANNY TAMBONAN

INFANTRY BATTALION

JIMMY AMPOY

LARRY MAASAN BAYAWAN

NEW PEOPLE

NILO VINLUAN

NORTH COTABATO

SINABI

VINLUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with