^

Probinsiya

2 sundalo pinatay sa ospital

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines – Pinabulagta ang dalawang sundalo matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng pagamutan sa Barangay Limpongo, bayan ng Datu Hopper sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan sa dalawang biktima na kapwa nakatalaga sa 45th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Isabela, Cordillera Region.

Sa ulat na nakarating kay Army’s regional spokesman Col. Dickson Hermoso, lumitaw na pinakiusapan ng hepe ng Integrated Provincial Hospital Office-Maguindanao na si Dr. Tahir Sulaik  na bantayan ng dalawang sundalo ang nasabing ospital.

Gayon pa man, habang nagbabantay ang dalawang sundalo sa labas ng ospital ay biglang may isinugod na mga pasyente.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, may kasama ang mga pasyente na armadong kalalakihan kung saan kaagad na niratrat ang mga biktima na nakatayo sa labas ng emergency room.

Tinangay ng gunmen ang  M16 at M14 rifle  ng mga sundalo saka tumakas lulan ng motorsiklo.

 

vuukle comment

BARANGAY LIMPONGO

CORDILLERA REGION

DATU HOPPER

DICKSON HERMOSO

DR. TAHIR SULAIK

GAYON

INFANTRY BATALLION

INTEGRATED PROVINCIAL HOSPITAL OFFICE-MAGUINDANAO

ISABELA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with