^

Probinsiya

2 sundalo utas sa BIFF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang pinatay kagabi sa loob ng isang ospital sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat, miyembro ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga nasawing sundalo na nakatalaga sa emergency room ng Maguindanao Provincial Hospital.

Nangyari ang pananambang sa dalawang hindi pa pinangangalanang sundalo bandang 8:30 ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakapasok sa loob ng ospital ang apat na hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos may ipasok na pasyente sa ospital.

Matapos ang pag-atake ay kaagad tumakas ang armadong kalalakihan dala ang M16 at M14 assault rifles ng mga biktima.

Pinaigting na ang seguridad sa buong lalawigan kasunod ng pag-atake.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DALAWANG

INFANTRY BATTALION

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO PROVINCIAL HOSPITAL

MATAPOS

NANGYARI

PHILIPPINE ARMY

PINAIGTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with