^

Probinsiya

Drug addict, sinalvage

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang sinalvage ang sinasabing adik na  babae  matapos itong ratratin at iwanan ng mga di-kilalang lalaki sa hangganan ng Vergara Extension Road sa Sitio Asias, Barangay Soledad, sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Bandang alas-6:50 ng umaga nang matagpuan ng isang concerned citizen ang bangkay ng di-kilalang babae na may tatlong tama ng bala ng baril sa leeg, pisngi at sa kanang mukha. Nakasuot ang biktima ng abuhing sweatshirt, abuhing shorts, itim na spaghetti shirt, puting pares na sandals at iba’t-ibang kulay ng plastic bracelet accessories. Narekober naman ng pulisya sa crime scene ang 5-plastic sachets ng shabu  at iba’t ibang gamit sa droga na nakalagay sa kaha ng sigarilyo na nakuha sa katawan ng biktima.

vuukle comment

ABUHING

BANDANG

BARANGAY SOLEDAD

NAKASUOT

NAREKOBER

NUEVA ECIJA

PINANINIWALAANG

SITIO ASIAS

VERGARA EXTENSION ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with