^

Probinsiya

Nawawalang misis nagtatago pala dahil sa takot kay CamNor guv

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa takot, pinalabas ng misis ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na dinukot siya upang matakasan ang nanggagalaiting asawa.

Lumutang ngayong Miyerkules si Josefina Tallado sa ABS-CBN news kasama ang abogadong si Lorna Kapunan upang linawin na hindi siya dinukot taliwas sa naglabasang ulat.

"Kaya po ako narito ay para linawin na hindi po ako nawawala at hindi po ako na-kidnap,” wika ni Josefina ayon sa ulat ng dzMM.

“Ang totoo pong pangyayari ay kusa akong umalis o tumakas sa bahay namin kasi alam kong hindi na ako safe sa sarili kong tahanan."

Nagsimula ang pag-aaway ng mag-asawa matapos may kumalat na hubad na larawan sa internet ng isang babaeng “kinalolokohan” ng gobernador.

Ayon kay Josefina, siya ang pinagdududahan ng gobernador na nagkalat ng malaswang larawan kahit hindi pa aniya ito nakikita.

Dumagdag din sa away ng mag-asawa ang umano'y hawak na sex video ni Josefina kung saan laman ang gobernador at ang naturang kinalolokohang babae.

"Nakita ko lang po pero wala akong hawak. Nakita ko lang meron silang sex video saka mga pictures together. Siguro 'yun talaga ang ikinagagalit niya sa 'kin," pahayag ni Josefina.

Dahil sa tindi ng galit sa kanya ay kinumpiska umano ng gobernador ang mobile phone ni Josefina pati ang mga gadget, habang pinutol ang linya ng internet at pinalitan ang mga susi sa kanilang bahay.

Sinabi pa ni Josefina na pinalabas niyang nadukot siya dahil wala siyang mapagkatiwalaan sa buong lalawigan maging ang mga pulis.

"Sa Camarines Norte, wala akong ibang pwedeng asahan, kahit kapulisan lahat kontrolado niya,” patuloy pa ng misis ng gobernador.

“Wala na po akong ibang matatakbuhan, talagang kumbaga laban ko ito. Alam kong mahirap kasi makapangyarihan siya.”

vuukle comment

ALAM

AYON

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

DAHIL

JOSEFINA

JOSEFINA TALLADO

LORNA KAPUNAN

NAKITA

SA CAMARINES NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with