^

Probinsiya

Trader na transgender kinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay saka pinagnakawan ang 55-anyos na negosyanteng transgender ng mga di-kilalang lalaki na sinasabing nakainuman nito sa kanyang resto bar sa Barangay Wakas, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng gabi. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Hyacinth Caliao, hepe ng Tayabas City PNP, kinilala ang biktima na si Joselito Añonuevo ng Mariano Ponce Street Barangay San Diego Zone 2 at may-ari ng Koozy Resto Bar. Sa imbestigasyon nina SPO1 Joseph Burcelango at PO3 Domingo Rivarez, bandang alas-9:30 ng umaga kahapon ay nadiskubre ng mga opisyal ng barangay ang resto bar na nakabukas ang pintuan kung saan nakita ang bangkay ng biktima sa basement. Nawawala rin ang imported na tablet ng biktima at hindi pa malamang halaga ng pera nito na sinasabing tinangay ng apat na kalalakihang huling nakitang kainuman ng biktima noong Linggo ng gabi.

 

vuukle comment

BARANGAY WAKAS

DOMINGO RIVAREZ

HYACINTH CALIAO

JOSELITO A

JOSEPH BURCELANGO

KOOZY RESTO BAR

LINGGO

MARIANO PONCE STREET BARANGAY SAN DIEGO ZONE

TAYABAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with