^

Probinsiya

Obrero utas sa landslide

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Patay ang 31-anyos na construction worker matapos itong matabunan ng lupa na gumuho sa construction site sa Barangay Rosario, bayan ng Gumaca, Quezon, kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Gumaca District Hospital ang biktimang si Michael John Coyoga, 31, nakatira sa bayan ng Montalban, Rizal at kawani ng Jofel Lagramado Construction Company. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente habang nagkakabit ng bakal ang biktima sa hinuhukay na gusali kung saan gumuho ang toneladang lupa na nasa gilid ng construction site. Mabilis namang  hinukay ng mga kasamahan para maiahon ang biktima subalit namatay din. Pinag-aaralan na ng pulisya kung sasampahan ng kaukulang kaso ang may-ari ng gusali at ang kumpanyang pinaglilingkuran ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY ROSARIO

GUMACA

GUMACA DISTRICT HOSPITAL

IDINEKLARANG

JOFEL LAGRAMADO CONSTRUCTION COMPANY

MABILIS

MICHAEL JOHN COYOGA

MONTALBAN

PATAY

PINAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with