^

Probinsiya

Trike driver utas sa pakikipag-sex

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Nagwakas ang kaligayahan ng 59-anyos na trike driver  matapos itong mamatay habang nakikipagtalik sa sinasabing kasamang babae sa loob ng hotel sa Barangay San Agustin, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

 Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Felecisimo Tolentino, tricycle driver at residente ng Wawa Street sa Brgy. San Sebastian sa bayan ng Hagonoy, Bulacan.

Lumilitaw sa imbestigas­yon nina PO2 Ronald Rosario at PO2 Fauji Mahalim, nag-check-in sa Busy Homes Apartelle ang biktima na may kasamang di-kilalang babae.

Dalawang oras ang nakalipas ay kinatok ng hotel staff ang kuwartong inupahan ng biktimang may kasamang babae dahil malapit nang matapos ang oras subalit walang sumasagot.

Dito na binuksan ng hotel staff ang kuwarto kung saan bumugad ang nakahigang biktima na walang buhay.

Pinaniniwalaang tumakas ang babae at iniwan ang biktima na sinasabing namatay sa pakikipag-sex.

 

vuukle comment

BARANGAY SAN AGUSTIN

BULACAN

BUSY HOMES APARTELLE

FAUJI MAHALIM

FELECISIMO TOLENTINO

MALOLOS CITY

RONALD ROSARIO

SAN SEBASTIAN

WAWA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with