^

Probinsiya

Holdap: Drayber, konduktor dedo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang driver at konductor ng pampasaherong van matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa bahagi ng Upian Bridge sa Barangay Kimadzel, bayan ng Carmen, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO1 Jesus Necessito ang mga napatay na sina Ricky Patricino, drayber; at Albo Lintag, 40, konduktor, mga nakatira sa Cagayan de Oro City. Sa ulat ng Carmen PNP, lumilitaw na patungong Davao City mula sa Cagayan de Oro City ang pampasaherong van na may lulang 18-katao nang holdapin ng dalawang armadong lalaki pagsapit sa nasabing bayan. Pinababa ang mga pasahero ng van saka nilimas ang mga gamit at pera. Gayon pa man, pinagbabaril ang driver at conductor saka pinaharurot ang van kung saan iniwan ang mga pasahero.

 

vuukle comment

ALBO LINTAG

BARANGAY KIMADZEL

DAVAO CITY

GAYON

JESUS NECESSITO

KINILALA

NORTH COTABATO

ORO CITY

RICKY PATRICINO

UPIAN BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with