^

Probinsiya

2 sundalo itinumba sa simbahan

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Hindi na nirespeto ng ri­ding–in-tandem assasins ang kasagraduhan ng simbahan makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dalawang sundalo  kahapon ng umaga sa Barangay Poblacion, bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Sa ulat ni P/Inps. Ronald Cuntong, hepe ng Datu Piang PNP, kinilala ang mga biktima na sina Pfc. Rex Limpahan at Pfc. Edward Baes na kapwa nakatalaga sa 62nd Division Reconnaisssance Company na nakabase sa Barangay Damablas.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, palabas ng simbahan ang mga biktima matapos na magtirik at magsindi ng kandila nang lapitan at ratratin ng tandem gunmen.

Napag-alamang sinamahan lamang ni Pfc. Baes si Pfc. Lampihan na nagdiriwang ng kanyang ika-23rd kaarawan.

 “Walang kalaban-laban ang dalawa dahil sa naka- atheletic attire lamang ang sout at walang bitbit na baril,” paha­yag ni Col. Dickson Hermoso, 6th Infantry Divison spokesman.

Kinokondena ng pamunuan ng Phil. Army ang ginawang pagpaslang sa mga bagitong sundalo.

Pinaniniwalaang mga tero­ristang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasa likod ng pamamaslang.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY DAMABLAS

BARANGAY POBLACION

DATU PIANG

DICKSON HERMOSO

DIVISION RECONNAISSSANCE COMPANY

EDWARD BAES

INFANTRY DIVISON

REX LIMPAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with