^

Probinsiya

Pulis niratrat ng tandem, grabe

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang beteranong pulis matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa tindahan ng manok sa Barangay Market View, Lucena City, Quezon kahapon ng madaling araw. Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at mukha ang biktimang si SP02 Ruelito Roxas, nakatalaga sa PNP Regional Office 4A  sa Canlubang City, Laguna at nakatira sa nasabing barangay. Batay sa inisyal na ulat nina PO3 Nestor Lumanglas Jr, PO3 Michael Subieto, at PO2 Abraham Ardiente, nasa loob ng kaniyang tindahan ng manok ang biktima nang pumasok ang dalawang di-kilalang lalaki at nagtanong ng presyo ng manok. Makalipas ang ilang minuto ay niratrat ang biktima saka mabilis na tumakas ang gunmen lulan ng motorsiklo. Nakarekober sa crime scene ang 11-basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ABRAHAM ARDIENTE

BARANGAY MARKET VIEW

BATAY

CANLUBANG CITY

KASALUKUYANG

LUCENA CITY

MICHAEL SUBIETO

NESTOR LUMANGLAS JR

REGIONAL OFFICE

RUELITO ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with