^

Probinsiya

19-anyos utas sa granada

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay ang 19-anyos na babae matapos masabugan ng granda na inihagis ng mga di-kilalang lalaki kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Halang, bayan ng Amadeo, Cavite. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Sumabog ang granada na inihagis ng riding-in-tandem sa bahay ng biktimang si Russel Almeria sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO1 Glenford Alcaraz, magkasamang natutulog ang biktima  at kapatid na lalaki  sa sala ng kanilang bahay nang sumabog ang granada. Naisugod pa sa Asian Medical Center subalit namatay din ang biktima habang ginagamot. Pinaniniwalaang may nakaaway ang isa sa miyembro ng pamilya ng biktima kaya naganap ang pagpapasabog.

 

vuukle comment

AMADEO

ASIAN MEDICAL CENTER

AYON

BARANGAY HALANG

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

GLENFORD ALCARAZ

IMUS CITY

NAISUGOD

RUSSEL ALMERIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with