^

Probinsiya

‘Lover’ ni misis dedo sa mister

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Binaril at napatay ang isang tindero ng gulay ng kanyang kapitbahay na sikyu dahil sa hinalang ang biktima ay kalaguyo ng misis ng suspek sa Barangay Concepcion 1, sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Rolando Mirambel, 32, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Morfeo “Pio” Escopio, kawani ng D’Jaguar Security Agency.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na kinompronta ng suspek ang biktimang nakatayo sa harapan ng kanyang bahay kaugnay sa kumakalat na tsismis na kalaguyo nito ang kanyang misis.

Mariin naman itinanggi ng biktima ang akusasyon subalit hindi pinaniwalaan ng suspek at tuluyang pinagbabaril.

Kahit duguan na ang biktima ay nakatakbo pa ito palayo subalit pinutukan pa uli ng suspek sa likurang bahagi ng ulo kaya sumubsob at namatay sa damuhan.

Bukod sa kasong murder na kinakaharap ng suspek ay nahaharap din ito sa asuntong pagnanakaw ng baril ng kanyang kumpanyang pinaglilingkuran dahil hindi nito ibinigay ang baril sa kanyang bisor.

 

vuukle comment

BARANGAY CONCEPCION

BINARIL

BUKOD

ESCOPIO

JAGUAR SECURITY AGENCY

KAHIT

MARIIN

MORFEO

NAPURUHAN

ROLANDO MIRAMBEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with