^

Probinsiya

Ina, sanggol kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang ina at sanggol nitong anak makaraang pagtatagain ng hindi pa nakilalang mga salarin na pumasok sa kanilang tahanan   sa bayan ng Paracale, Camarines Sur, kahapon.

Kinilala ang na­sawing mag-ina na sina Diane Mamaril, 20 at anak na si Altea Mamaril Saynes, mahigit isang taong gulang.  Ang mag-ina ay tadtad ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang datnan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team na nagresponde sa lugar.

Sa ulat ng Camarines Sur Police, bandang alas-12 ng madaling-araw nang marinig ng kanilang mga kapitbahay ang umano’y kalabugan mula sa tahanan ng mga biktima.

Gayunman sa pag-aakalang nag-aaway lamang ang mag-live-in partner ay hindi ito pinansin ng kanilang mga kapitbahay.

Kinaumagahan ay nadiskubre ang bangkay ng mag-ina na kapwa tadtad ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sinasabing wala umano ang live-in partner ng ginang ng mangyari ang pamamaslang sa kaniyang mag-ina.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang mga suspek na nasa likod ng krimen.

 

vuukle comment

ALTEA MAMARIL SAYNES

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR POLICE

DIANE MAMARIL

GAYUNMAN

KINAUMAGAHAN

KINILALA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with