^

Probinsiya

Katutubo inakalang unggoy, dinedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-aakalang unggoy, napatay ang 16-anyos na binatilyong katutubo matapos itong barilin ng mangangaso sa itaas ng punungkahoy sa bayan ng Narra, Palawan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Bernard Bacaltos na sinasabing mula sa lipi ng katutubong Tagbanua habang sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek na si Normando Bungkas, 42. Napag-alamang naghahanap ng ibon, paniki, at unggoy ang suspek nang may biglang kumaluskos mula sa itaas ng punungkahoy. Sa pag-aakalang unggoy ay agad itong pinaputukan ng suspek kung saan laking gulat nito nang bumagsak mula sa itaas ng puno ang biktima. Ikinatuwiran naman ng suspek na aksidente ang pangyayari dahil inakala niyang unggoy ang biktima sa itaas ng punungkahoy.

 

vuukle comment

BERNARD BACALTOS

DAHIL

IKINATUWIRAN

ITAAS

KINILALA

NAPAG

NORMANDO BUNGKAS

PALAWAN

SUSPEK

TAGBANUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with