^

Probinsiya

Staff ng ABS-CBN utas sa kuryente

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 28-anyos na staff ng ABS-CBN network matapos na aksidenteng makuryente habang inaahon ang sasakyang nabalahaw sa Barangay Rueda, bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Geric Anacia, setman, at nakatira sa Sitio Veterans, Brgy. Commonwealth sa Quezon City na nagtamo ng 2nd degree na pagkasunog.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Merwin Lopez at PO1 George Ancheta, kasalukuyang nag-aayos ang biktima at iba pang crew para sa telebisyon production sa Purok 2 nang biglang mabalahaw ang kanilang service vehicle na Nissan Escapade (PAO-371) habang umaatras sa gilid ng kalsada.

Kaagad namang nagtulung-tulong ang mga crew kabilang ang biktima upang alisin sa pagkakabalahaw ang sasakyan nang biglang madulas ito pababa saka kumapit sa street light post.

Subalit biglang nangisay ang biktima matapos mahawakan nito ang talop na linya ng kuryente na nakakabit sa street light post.

vuukle comment

BARANGAY RUEDA

BRGY

BULACAN

BULACAN MEDICAL CENTER

GEORGE ANCHETA

GERIC ANACIA

MERWIN LOPEZ

NISSAN ESCAPADE

QUEZON CITY

SITIO VETERANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with