^

Probinsiya

Isa pang granada sumabog sa North Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang pagsabog ang naganap sa probinsya ng North Cotabato nitong Miyerkules ng gabi, pangalawang insidente ng pagsabog sa Central Mindanao ngayong linggo.

Ayon kay Superintendent Rolly Oranza, hepe ng Arakan municipal police, isang hindi pa kilalang lalaki ang naghagis ng isang granada sa loob ng bahay ng isang residente ng Arakan na si Susan Seminilla.

Walang nasugatan sa naturang insidente, ngunit nagdulot ito ng takot sa iba pang residente sa lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaking naghagis ng granada at ang motibo ng salarin.

Nito lamang Martes ng gabi, pitong tao ang nasugatan nang sumabog ang isa pang granada sa liwasan ng General Santos City.

Hindi pa rin kilala ng mga awtoridad ang grupong nasa likod ng pag-atake.

vuukle comment

ARAKAN

AYON

CENTRAL MINDANAO

GENERAL SANTOS CITY

INAALAM

ISA

MIYERKULES

NORTH COTABATO

SUPERINTENDENT ROLLY ORANZA

SUSAN SEMINILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with