^

Probinsiya

8-anyos kinidnap, pinatay

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang hindi kaagad nakapagbayad ng ransom money kaya pinatay sa sakal ang 8-anyos na anak ng trader matapos itong kidnapin ng mga armadong lalaki sa bayan  ng Virac, Catanduanes kamakalawa.

Natagpuang patay malapit sa gusali ng BIR sa Barangay San Isidro Village ang biktimang si Sean Andrei Agripa, Grade 2 pupil sa Virac Pilot Elementary School at nakatira sa Barangay Gogon Siriangan sa nasabing bayan.

Isa sa mga suspek na si Cecillio Paredes ay nasakote sa isang lodging house sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba ng pulisya.

Nabatid na sinundo ni Paredes ang biktima sa eskuwelahan kung saan sumama naman ito dahil kakilala ng kanyang mga magulang kung saan hindi na nakauwi ang bata.

Samantala, ikinanta naman ni Paredes ang mga pangalan ng kanyang ka­sabwat sa kidnapping group matapos itong sumailalim sa tactical interrogation ng pulisya.

 Pansamantalang hindi muna isiniwalat ng pulisya ang pagkakakilanlan ng iba pang kidnaper habang isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek.

Sinasabing nabaon sa pagkakautang si Paredes kaya dinukot nito ang biktima para ipatubos sa mga magulang kung saan hindi agad nakapagbayad ng ransom money kaya pinatay ang bata upang hindi sila maituro.

vuukle comment

BARANGAY GOGON SIRIANGAN

BARANGAY SAN ISIDRO VILLAGE

CATANDUANES

CECILLIO PAREDES

ISA

NABATID

SEAN ANDREI AGRIPA

VIRAC PILOT ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with