^

Probinsiya

14-anyos ni-rape ng 15-anyos nobyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagwakas ang pagka-virgin ng 14-anyos na dalagita matapos itong halayin ng kanyang nobyo kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Sa salaysay ni Maria, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi matapos siyang makipagdate sa kaniyang boyfriend na itinago naman sa pa­ngalang Miguel.

Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi nagpaalam sa kaniyang mga magulang ang biktimang itinago sa pangalang Marivic kung saan nakipag-date sa kanyang 15-anyos na nobyong si Miguel, nakatira sa kanugnog na Advent Homes, Ayala sa nasabing lungsod.

Bandang alas-12 ng hatinggabi nang umuwi ang biktimang duguan ang palda at nang usisain ito ng kaniyang mga magulang ay sinabing ginahasa siya ng sariling nobyo.

Agad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima na sinamahan ng kaniyang mga magulang.

Sa follow-up operations ng pulisya ay nasakote naman ang suspek na pansamantalang ipiniit sa Children in Conflict Law Center sa Barangay Culianan, Zamboanga City bago dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

vuukle comment

ADVENT HOMES

AYALA

BANDANG

BARANGAY CULIANAN

CONFLICT LAW CENTER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LUMILITAW

MIGUEL

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with