^

Probinsiya

Napatay dahil sa mikropono

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Napatay ang 31-anyos na binata matapos itong saksakin ng nakaalitan sa videoke bar dahil sa pag-aagawan ng mikropono kamakalawa ng gabi sa Barangay Balubad, bayan ng Atimonan, Quezon. Nagtamo ng sugat sa braso at katawan ang biktimang si Ronald Roperez habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Cecilio Saniel, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, habang kumakanta ang biktima sa harapan ng mga kaibigang umiinom nang hablutin ng suspek ang mikropono at nagsabing siya na lamang ang tatapos ng kanta. Sa puntong iyon ay tinangkang suntukin ng biktima ang suspek subalit maagap na sinaksak ito gamit ang basag na bote ng alak. Kasabay ng pagkakagulo sa videkoke bar ay tumakas ang suspek kasama ang ilang kaibigan.

vuukle comment

ATIMONAN

BAR

BARANGAY BALUBAD

CECILIO SANIEL

KASABAY

NAGTAMO

NAPATAY

QUEZON

RONALD ROPEREZ

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with