^

Probinsiya

P.5 M payroll natangay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN --- Bumanat muli ang isang grupo ng  hinihinalang notoryus na mga holdaper matapos na hol­dapin ang isang sekretarya sa naganap na P.5 M payroll robbery sa Brgy. Sta Rosa II, Marilao, Bulacan kahapon ng umaga.

Dumulog sa pulisya ang biktimang si Marita Jacinto, 42, sekretarya at driver nitong si Reynaldo Martinez, 39 ng Brgy. Sta. Rosa 1 pawang sa bayang ito at kapwa empleyado ng Silver Bridge Metal Mfg. Corp na pag-aari ni ShunYuan Pan na nasa Brgy. Sta. Rosa II sa naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Alcantara dakong alas-11 ng umaga ay kasalukuyang tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng Brgy. Sta. Rosa II lulan ng isang Toyota Fortuner ( EBW-543 )  ga­ling sa mga sangay ng Metro Bank at Banco De Oro upang mag-withdraw ng halagang P549,100 piso na gagamitin bilang payroll money sa obrero ng naturang kumpanya.

Pagsapit sa isang lugar sa INC St., Brgy. Sta Rosa II ay biglang sumulpot ang walong armadong kalalakihan  na puwersahang tina­ngay ang nasabing pampasuweldo saka mabilis na tumakas sakay ng tatlong motorsiklong walang plaka patungo sa direksyon ng San Jose Del Monte City.

 

vuukle comment

BANCO DE ORO

BRGY

MARITA JACINTO

METRO BANK

REYNALDO MARTINEZ

RODEL ALCANTARA

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SILVER BRIDGE METAL MFG

STA ROSA

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with