^

Probinsiya

Trader, 2 pa itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuguegarao City- Tatlo katao kabilang ang isang negosyante at isang Brgy. Kagawad ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa magkakahiwalay na insidente sa  lalawigan ng Isabela, kamakalawa.

Sa ulat ni Sr. Inspector Benny Asuncion, hepe ng Mallig, pinabulagta ng hinihinalang hired killer si Brgy. Kagawad Salvador Dumlao, 53 anyos.

Nakikipag-inuman si Dumlao sa kaniyang mga kaibigan nang lapitan ng nag-iisang armadong salarin at pagbabarilin sa Brgy. Mana­ngo, Mallig ng lalawigan. Sumunod namang pinabu­lagta ng riding in tandem na mga armado ang 78 anyos na negos­yanteng si Gregorio Torres sa Provincial Road, Brgy. San Bernardo, Cabagan na ikinasugat din ng kaniyang misis kamaka­lawa ng gabi. Lumilitaw sa imbestigasyon na pauwi na ang mag-asawa ng pagbabarilin ng riding in tandem na armado ng cal. 45 pistol.

Samantala sa bayan ng San Mariano; tinambangan at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin si Tomas Castro, 42, magsasaka habang naglalakad ito patungo sa kanyang bukirin sa Brgy. Daragutan West. Iniimbestigahan pa ang motibo ng naturang mga krimen kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ang alitan sa lupa at negosyo.

vuukle comment

BRGY

DARAGUTAN WEST

GREGORIO TORRES

KAGAWAD SALVADOR DUMLAO

MALLIG

PROVINCIAL ROAD

SAN BERNARDO

SAN MARIANO

SR. INSPECTOR BENNY ASUNCION

TOMAS CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with