^

Probinsiya

Mag-asawa tinambangan sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang municipal education official at ang kanyang asawa matapos tambangan ng armadong kalalakihan kahapon sa Pikit, North Cotabato.

Kinilala ng hepe ng Pikit municipal police na si Inspector Mautin Pangandingan ang mga biktimang sina Violeta Almazan, 62, supervisor ng mga pampublikong paaralan sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato, at mister na si Gervacio 63.

Patungo sana sa bayan ng Midsayap ang mag-asawa mula ng Arakan, North Cotabato nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Dalengawen.

Kaagad nakatakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pananambang sa mag-asawa.

 

vuukle comment

ARAKAN

BARANGAY DALENGAWEN

GERVACIO

INSPECTOR MAUTIN PANGANDINGAN

KAAGAD

KINILALA

MIDSAYAP

NORTH COTABATO

PIKIT

VIOLETA ALMAZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with