^

Probinsiya

2-anyos swak sa kanal, patay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  – Patay ang 2-anyos na nene matapos na nahulog sa malalim na kanal sa Purok Sampaguita, Barangay Avanceña sa Koronadal City, North Cotabato kahapon. Kinilala ang namatay na si Lheana Mae “Yumi” Antopina, panganay na anak ng mag-asawang Jonathan at Mary Joy Antopina. Napag-alamang lumabas ang ina ng biktima para isauli ang tinapay na binili sa tindahan kung saan hindi nito napansin na sumunod ang kanyang anak na si Mae. Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang bata sa malalim na kanal kaya ito nalunod. Pinaniniwalaang nadulas ang bata kaya nahulog sa kanal habang tumatawid sa tulay.

 

vuukle comment

ANTOPINA

BARANGAY AVANCE

GAYON

KINILALA

KORONADAL CITY

LHEANA MAE

MARY JOY ANTOPINA

NORTH COTABATO

PUROK SAMPAGUITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with