^

Probinsiya

Salon owner, nilikida

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  – Pinabulagta ang 61-anyos na salon owner makaraang barilin ng isa sa dalawang gunmen sa loob ng pag-aaring shop sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Redentor Ramos Jr., binata, owner ng Red Ram Beauty Salon at nakatira sa Soldier Hills Subd. sa nasabing barangay. Sa ulat ni P03 Michael Legaspi, pinasok ng dalawang di-kilalang lalaki ang nasabing salon saka pinutukan sa ulo ang biktima sa harap mismo ng kanyang mga tauhan. Nagimbal ang mga tauhan ng biktima na hindi nakapalag matapos masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanilang amo. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BACOOR CITY

BARANGAY MOLINO

CAVITE

MICHAEL LEGASPI

NAGIMBAL

NAPURUHAN

NAREKOBER

RED RAM BEAUTY SALON

REDENTOR RAMOS JR.

SOLDIER HILLS SUBD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with