^

Probinsiya

Ina nilamon ng ilog, anak nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilamon ng ilog ang 47-anyos na nanay matapos na matangay ng ma­lakas na agos ng tubig-baha habang nasagip naman ang anak nito sa Barangay Pag-asa, bayan ng Alabel, Sarangani kamakalawa

?Kinilala ang namatay na si Locaya Sakilan ng Sitio Anglas, Barangay Kinam, bayan ng Malapatan, Sarangani habang nakaligtas ang 7-anyos na anak ng ginang na kinilala lamang sa palayaw na Totoy.

Sa ulat  na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-4 ng hapon  nang mag-text pa ang biktima sa asawa nitong si Danny Sakilan na pauwi na sila ng kaniyang anak mula sa pagbibilad ng mais sa kabilang ibayo.

Gayon pa man, nagtaka si Danny kung bakit hindi pa umuuwi ang kaniyang mag-ina  kaya sinundan na ito kung saan bigla namang bumaha habang tumatawid  sila ng kaniyang mag-ina  sa sapa.

Nagawang mailigtas ng mister ang kaniyang anak matapos na pakapitin ito sa isang troso na inaanod ng tubig-baha pero nabigong masagip ang kaniyang misis na tinangay ng malakas na agos.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa may 200 metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklarang patay sanhi ng tinamong mga pasa sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

vuukle comment

ALABEL

BARANGAY KINAM

BARANGAY PAG

CAMP CRAME

DANNY SAKILAN

GAYON

LOCAYA SAKILAN

SARANGANI

SITIO ANGLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with