^

Probinsiya

Driver pabalagbag pumarada, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Kamatayan ang pinaglagyan ng driver na sinasabing pabalagbag na ipinarada ang minamanehong truck sa tapat ng vulcanizing shop matapos itong pagbabarilin ng dalawang motoristang nairita sa kanya kamakalawa sa Barangay Sappaac, bayan ng Bangued, Abra.

Kinilala ni P/Senior Insp. Eddie Bagto, deputy chief ng Bangued PNP ang bumulagtang truck driver na si Felix Quilay habang nasakote naman sa foolow-up operataions ang mga suspek na sina Arnold Bajo at Orly Molina na mga residente rin ng nasabing barangay. ?

Lumalabas sa imbestigasyon na sinita ng mga suspek ang biktima sa hindi maayos nitong parada ng kanyang truck habang nagpapa-vulcanize ng gulong nito.

Ayon sa police report, nakalikha ng pagsisikip ng trapiko sa nasabing lugar ang pabalagbag na pagparada ng biktima kaya nauwi matinding komprontasyon hanggang sa sumiklab ang pamamaril. ?

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo subalit nadakip din ng pulis­ya sa isinagawang follow-up operations.

vuukle comment

ABRA

ARNOLD BAJO

AYON

BANGUED

BARANGAY SAPPAAC

EDDIE BAGTO

FELIX QUILAY

ORLY MOLINA

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with