^

Probinsiya

Pulis hinoldap ng mga adik

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Nilimas ng apat na kabataang adik sa bawal na droga ang pera at personal na gamit ng isang policewoman matapos itong holdapin habang naglalakad sa bisinidad ng Barangay Dubianan, Santiago City, Isabela kamakalawa ng hatinggabi.?

Kinilala ang biktima na si PO2 Cora Letac ng Bicutan Police Public Safety Battalion sa Camp Bagong Diwa, Bicutan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alexander Santos, Santiago City PNP director, kabababa lamang ni PO2 Letac sa pampasaherong bus mula sa  Maynila nang harangin at tutukan ng baril ng apat na kabataang lalaki na sinasabing mga adik.

Hindi na nakapalag ang biktima matapos palibutan kung saan nilimas ang kanyang bag na naglalaman ng P20,000 cash, cellphone at ang kanyang ATM card.?

Nabatid na patungo sana ang biktima sa terminal ng jeepney pauwi sa Mt. Province nang maganap ang insi­dente na may ilang metro lamang ang layo sa presinto ng pulisya.

 

vuukle comment

ALEXANDER SANTOS

BARANGAY DUBIANAN

BICUTAN

BICUTAN POLICE PUBLIC SAFETY BATTALION

CAMP BAGONG DIWA

CORA LETAC

MT. PROVINCE

SANTIAGO CITY

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with