^

Probinsiya

Magsasaka niratrat, pinugutan ng kabaro

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 64-anyos na magsasaka magtapos ratratin ay pinugutan pa ng kanyang kapitbahay dahil sa alitan sa lupa sa Barangay Cabanuan, bayan ng Sta. Fe, Nueva Viscaya kamakalawa.

?Kinilala ni P/Senior Insp. Rolando Galapon, hepe ng Sta. Fe PNP ang biktima na si Jaime Delmas habang nasakote naman sa follow-up operation ang suspek na si Hauyaw Natalac, 65, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ginulpi ng nakababatang kapatid ng biktima ang suspek sa bintang na inililipat nito ang mohon ng kanilang lupa upang lumawak ang kanyang teritoryo.

?Gayon pa man, niresbakan naman ng suspek ang biktima kung saan pinagbabaril habang naglalakad patungo sa palayan.

Nang makitang guma­galaw pa ang kaalitang biktima  ay tinagpas pa ang ulo nito.

Hindi pa nakuntento ang suspek at nilublob pa ang pugot na ulo sa putikan.?

Narekober sa crime scene ang baston na naiwan ng suspek kaya mabilis itong nasakote kung saan inamin naman ang nagawang krimen.

vuukle comment

BARANGAY CABANUAN

GAYON

HAUYAW NATALAC

JAIME DELMAS

KINILALA

NANG

NUEVA VISCAYA

ROLANDO GALAPON

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with