^

Probinsiya

3 bata nilamon ng ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napagtripan ni kamatayan ang tatlong bata makaraang malunod habang naliligo sa ilog noong Linggo ng umaga sa Barangay Dayao, Roxas City, Capiz. Kinilala ang mga biktima na sina John Michael Antonio, 11; Gerry Libo-on, 10; at si Kent John Astrolabio, 6, na pawang naisugod sa Roxas Memorial Provincial Hospital subalit namatay din. Napag-alamang nagkatuwaang maligo sa ilog ang tatlo kung saan hindi naman nagpaalam sa kanilang mga magulang. Ayon sa imbestigasyon, unang lumundag  sa tubig si Kent kung saan napagawi ito sa malalim na bahagi at nalunod. Namataan naman ito ng dalawang kalaro na sina Gerry at John Michael kung saan tumalon din para iligtas ang kaibigan. Gayon pa man, nanguyapit ang nalulunod na bata sa dalawa nitong kalaro kaya pare-parehong nilamon ng ilog. Nakita naman ng ilang residente ang mga bata kaya tinangkang sagipin at dalhin sa nasabing ospital subalit namatay din. 

vuukle comment

AYON

BARANGAY DAYAO

CAPIZ

GAYON

GERRY LIBO

JOHN MICHAEL

JOHN MICHAEL ANTONIO

KENT JOHN ASTROLABIO

ROXAS CITY

ROXAS MEMORIAL PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with