^

Probinsiya

Ama, 1 pa dinedo ng anak na adik

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 67-anyos na ama at kapitbahay nitong obrero makaraang barilin sa ulo ng sariling anak na adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Macanaya, bayan ng Apar­ri, Cagayan.

Kiniala ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Apar­ri PNP ang mga biktima na sina Alfredo Bueno at Paquito Cuaresma habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Samuel Bueno, 36.

Ayon sa ina ng suspek na si Maria, nanonood ng teleserye ang biktima nang dumating ang anak na sinasabing lango sa droga at nanlilisik ang mata.

Gayon pa man, pinyapa ng ama ang kanyang anak na nagmumura kung saan nagalit ito at binaril sa ulo ang kanyang tatay.

Nagsisigaw naman si Maria na nakatawag pansin sa kanilang kapitbahay na si Cuaresma subalit ito rin ay binaril sa ulo pagpasok sa bahay ng pamilya Bueno.

vuukle comment

ALFREDO BUENO

AYON

BARANGAY MACANAYA

CHIEF INSP

CUARESMA

GAYON

MINA DOMINGO

PAQUITO CUARESMA

SAMUEL BUENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with