^

Probinsiya

Cessna plane bumagsak, piloto ligtas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas ang piloto ng isang pribadong Cessna plane makaraan itong aksidenteng bumagsak sa dagat malapit sa dalampasigan  ng Brgy. Talisay, Calatagan, Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Batangas Police, kinilala ang nakaligtas na piloto na si Captain Roel Marquez, 46-anyos at residente ng Parañaque City.

Bandang alas-4:20 ng hapon nang mangyari ang pagbagsak ng Cessna 207 charter/cargo plane, single engine propeller sa  karagatan na nasasakupan ng nasabing bayan.

Ang nasabing Cessna plane na may kapasidad na 7 katao at body number RP-C1360 ay pag-aari ng CM Aero charter na nakabase sa Domestic Road, Pasay City sa  tabing-dagat ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, ang nasabing eroplano  na may kargang 28 styro box ng buhay na isdang lapu-lapu ay nag-take-off sa Busuanga, Palawan patungo sanang Sangley Point, Cavite nang mangyari ang pagbagsak nito, may 150 metro ang layo sa aplaya o dalampasigan. Sa pahayag ng piloto na nagtamo lamang ng bahagyang gasgas sa katawan, sinabi nito na  nawalan umano siya ng kontrol sa eroplano sa distansyang 6000 feet altitude sa himpapawid sanhi ng ‘mental fatigue’.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BATANGAS

BATANGAS POLICE

CAPTAIN ROEL MARQUEZ

CESSNA

DOMESTIC ROAD

PASAY CITY

SANGLEY POINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with