^

Probinsiya

3-anyos na anak nilaslas, ina nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang inang may nervous breakdown na nakabigti at 3-anyos nitong anak na babae na nilaslas ang pulso  sa loob ng isang pension house sa 11th Street, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Ang duguang bangkay ng mga biktimang kinilalang sina Lea Cañete, 34-anyos at Hannah Kate Cañete, ng Murcia sa lalawigang ito ay nadiskubre dakong alas-12:30 ng tanghali sa Room 20 na inokupa ng mag-ina sa Pension Bacolod & Restaurant, nasabing lungsod.

Ayon kay Sr. Inspector Stephen Boniba, hepe ng Station 2 ng Bacolod City Police, bagaman may palatandaang nasawi sa murder-suicide ang mag-ina ay isasailalim pa ang bangkay ng mga ito sa awtopsiya upang mabatid kung walang naganap na foul play sa kaso.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:40 noong Huwebes ng gabi nang mag-check-in si Lea ka­sama ang anak sa nasabing pension house at dakong alas-12 naman ng tanghali nitong Biyernes nang dapat magcheck-out na ang mga ito pero nang katukin ng roomboy na kinilala lamang sa pangalang Froilan ay walang sumasagot sa silid.

Napilitan ang roomboy na buksan ng master key ang silid at dito na nadis­kubre ang bangkay ng mag-ina.

Si Hannah Kate ay natagpuan ng mga nagres­pondeng Scene of the Crime Operatives team na may laslas sa magkabilang pulso nito sa kama habang ang ina naman nito ay na­tagpuang nakabigti ng lubid sa leeg na nakatali sa bakal ng kurtina sa shower at may tuwalyang nakatali rin sa bibig nito.

Narekober din ang dugu­ang blade na ginamit sa paglaslas sa pulso ng bata, lubid at tuwalya habang wala namang nakitang suicide note sa loob ng kuwartong tinuluyan ng mag-ina.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na nagpaalam ang ginang sa ina na tutungo sa Bacolod City upang kunin ang P3,000 perang padala ng mister nito na nagtatrabaho bilang security guard sa Cavite.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang ma­batid kung walang foul play sa kasong ito.

 

vuukle comment

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY POLICE

HANNAH KATE CA

LEA CA

NEGROS OCCIDENTAL

PENSION BACOLOD

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SI HANNAH KATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with