^

Probinsiya

Mister dinedo dahil sa cellphone

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  – Pinaniniwalaang dahil sa cellphone na nawala ang isa sa motibo kaya nilaslas ang tiyan at napatay ang  22-anyos na mister ng kanyang nakaalitan sa Barangay Burol 1st, bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Glen Richard Paglinawan ng Miraflor Subd. sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas Nono. Ayon kay PO3 Robert Dilag, nakikipag-inuman ang biktima sa dalawang kaibigang sina Charles Caringal at Menard Catindig nang dumating ang suspek kung saan hinahanap nito ang nawalang cellphone. Kaagad namang lumabas ng bahay ang dalawang kaibigan ng biktima para humingi ng tulong subalit isinagawa ng suspek ang pamamaslang saka tumakas.

vuukle comment

AYON

BALAGTAS

BARANGAY BUROL

BULACAN

CHARLES CARINGAL

GLEN RICHARD PAGLINAWAN

KAAGAD

MENARD CATINDIG

MIRAFLOR SUBD

ROBERT DILAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with