^

Probinsiya

Trike vs bus: Lolo bulagta

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Patay ang 63-anyos na lolo matapos sumalpok sa likuran ng pampasaherong bus ang kanyang traysikel sa Barangay Tablac, Candon City, Ilocos Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Richmond Tadina, hepe ng Candon City PNP, basag ang bungo ng biktimang si Robert Domingo habang nasakote naman ang driver ng bus na si Malony Balalio. Sa ulat ng pulisya, nagbababa ng pasahero ang GV Florida Bus Liner nang sumalpok sa likuran nito ang trike ng biktima. Gayon pa man, napagkasunduan ng management ng Florida Bus Liner at mga kaanak ng biktima na aregluhin na lamang ang kaso sa pamamagitan ni Atty. Robert Tugayan ng Candon City. ?Ang trahedya ay naganap limang araw matapos masangkot ang isa rin bus ng nasabing kumpanya sa Cordon, Isabela kung saan isang driver ng motorsiklo ang nakikipagbuno kay kamatayan nang makasalpukan sa Barangay Laurel.?

 

vuukle comment

BARANGAY LAUREL

BARANGAY TABLAC

CANDON CITY

FLORIDA BUS LINER

GAYON

ILOCOS SUR

MALONY BALALIO

RICHMOND TADINA

ROBERT DOMINGO

ROBERT TUGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with