^

Probinsiya

Pulis sinamurai ng siga, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang pulis matapos itong pagtatagain ng samurai ng sigang mister na pinaniniwalaang bangag sa droga sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kahapon ng madaling araw. Sa police report na  nakarating kay Caraga spokesman P/Supt. Romaldo Bayting, kinilala ang biktima na si PO3 Ferdinand Aguilar pinaghahanap naman ang suspek na si Ray Israel Cortez ng RAM compound sa Barangay VI. Nabatid na pauwi na ang biktima mula sa duty nito nang makasalubong ang suspek na may dalang samurai. Sinita ng biktima ang suspek pagsapit sa panulukan ng Asis at Garame Street subalit bigla na lamang pinagtataga at sinaksak ng samurai ng suspek ang nasorpresang pulis. Nabatid na ang suspek ay may masamang rekord sa pulisya kaugnay ng operasyon ng illegal na droga.

 

vuukle comment

AGUSAN

ASIS

CABADBARAN CITY

CARAGA

FERDINAND AGUILAR

GARAME STREET

NABATID

NAGBUWIS

RAY ISRAEL CORTEZ

ROMALDO BAYTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with