^

Probinsiya

Adik sinunog ang sarili at syota

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay muna sa sakal ang kaniyang nobya bago sinilaban ng 43-anyos na lalaking sabog sa droga ang silid sa motel na kanilang tinutuluyan hanggang sa  parehong matusta ang kanilang katawan kamaka­lawa ng gabi sa bayan ng Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang lalaking adik na sina Rommel Fuentebella Carino habang ang nobya naman ay si Joanna Buenaagua Iraula, 22.

Halos hindi na makilala ang magkasintahan dahil sa grabeng pagkasunog ng mga katawan.

Sa ulat ng Camarines Sur PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:30 ng gabi ng makatanggap ng report ang Bureau of Fire Protection kaugnay sa nagaganap na sunog sa Papillon Motor Lodge sa Barangay Tagongtong.

Ang sunog ay nagsimula sa Room 9 ng nasabing motel na inokupa ng magka­sintahan na tatlong araw nang naka-check-in.

Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP Goa at Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) team kung saan tumambad sa kanila ang natustang bangkay ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na lumabas sa hotel ang lalaki para bumili ng gasolina na ilalagay nito sa motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit sa panununog matapos na makita ang mga basyo ng bote na pinaglag­yan ng gasolina.

Samantala, may bakas din ng sakal ang babae kung saan ay narinig ng ilang kustomer na nagtatalo ang dalawa bago magsimula ang sunog.

Narekober din sa crime scene ang ilang plastic sachet ng shabu, dalawang basyo ng bote ng alak at motorsiklo.

 

vuukle comment

BARANGAY TAGONGTONG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

JOANNA BUENAAGUA IRAULA

KAAGAD

PAPILLON MOTOR LODGE

ROMMEL FUENTEBELLA CARINO

SCENE OF THE CRIME OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with